Friday, August 24, 2018

Si Liam At ang Manok

Si Liam at ang Manok na si Tino 

 Isang umaga, si liam ay inutusan ng kanyang Ina na si Aling Yeye : " Liam, pumunta ka sa palengke at bumili ng native na manok na gagawin kong Tinola " , para sa panghapunan. Binigyan ng pera si Lian pambili ng Manok na gagawin ngang Hapunan. At dali dali na itong lumakad.

Nang si Liam ay nasa Palengke ay lumapit siya sa isang poultry vendor na si Eduard, at kinausap niya ito na ipili siya ng magandang klase ng manok. Para sa tinolang lulutuin ng kaniyang nanay.

Pauwi na si Liam ngunit dahil matindi ang sikat ng araw ay nagdesisyon siya na magpahinga muna siya sa lilim ng puno ng manga, Ngunit naisip nya na naghihintay na ang kanyang ina kaya naman napagpasyahan niyang pauwiin na ang kanyang Manok na ipinamili. : " Tino mauna ka nang umuwi , magpapahinga muna ako " Itinuro na ni liam ang kanyang bahay. "  "dyan sa acacia st. kumaliwa ka hanggat makita mo ang simbahan at dumiretso ka hanggang makita mo ang Malaking puno ng Manga at doon ka kumanan, Kapag nakita mo ang dilaw na bahay makikita mo ang Bahay namin " sabi ni Liam . At Dali-daliang kinalagan ang tali ng manok niya.

 Dahil malakas ang hangin, napahaba ang tulog ni Liam, At hapon na siya nagising, nagmadaling umuwi si Liam, at malayo pa lamang ay natanaw niya na ang kaniyang Ina. Tinanong siya nito "Liam bakit ngayon ka lamang? at nasaan ang aking pinabili sayo? Sagot ni Liam naman ay " Kaninang umaga ko pa pinauwi ang manok" . Napakamot ng ulo ang ina niya at sinabing "Liam, paano makakauwi ang manok , dahil wala naman isip yan at Patuloy na ipinaliwanag ng ina kay liam ang kaniyang napagpasyahang gawin.

No comments:

Post a Comment